ang aking Karma…♥


kung sawa ka na sa mga love stories,wag mu basahin to…!!!!

hindi ko akalain na makakarma ako sa pagsisinungaling ko.ngayon,ako ang nagdurusa sa bagay na hindi ko alam kung magugustuhan ko o mabubwisit ako..

1st sem ng taong 2008,nagkaroon ako ng mababaw na “crush” sa klasmate kong si Floyde,,..hindi ko rin alam kung ano nagustuhan ko sa taong to..cguro dahil may itsura siya,or isip bata talaga,o dahil ka-bday niya mama ko at kaugali ang bestfriend ko..

ganun pa man,iilang tao lang ang nakakaalam nun.mga close fwends,pero hindi ko sinabihan ang isa ko pang close fwend na tawagin na lang nating “aw-aw”..

little did I know na binigyan na pla siya ng hint ng isa kong klasmate,akala ko pa naman maaasahan ko yung taong yun,.

nag-text c aw-aw at kinukulit ako kung cnu daw “crush” ko..ayoko sabihin sa kanya..sa hindi malamang dahilan,nagsinungaling ako..sinabi ko na c “tweet-tweet” (codename na lang muna..hehe) dahil pareho naman kaming emo..hindi ko alam na gaganti sa akin ang KArma…

 

dec. 14,2008-nagkaroon ng tour sa star city ang buong section namin..nang mga panahong iyon ay medyo may pagtingin na ako kay “aw-aw”,dahil na rin cguro sa closeness namin sa isa’t-isa..o baka dahil masyado lang tlga akong naa-attract sa mga taurus..

umusbong ang hinanakit ko sa kanya sa kalagitnaan ng araw na iyon..hindi ko malabas ang gusto kong sabihin sa kanya dahil alam kong wala din naman siyang pakialam..sobrang bigat ng naramdaman ko ng araw na iyon at isa lang ang naisip kong paraan para mailabas ang nararamdaman ko…umiyak..

kya ng pumila ang buong seksyon sa “surf dance” naisip ko na pagkakataon ko na…

pinagplanuhan kung sinu ang magkakatabi..ayoko sa gilid dahil kitang-kita ng mga tao ang reaksyon ng mga nakaupo sa may gilid..kaya napagkasunduan na ako sa gitna..sa kanan ko si “tweet-tweet”,sa kaliwa ang close kong friend na si Rigel at katabi niya ay si Floyde..

habang nag-aantay kami sa mahabang pila,di ko maiwasang mamangha sa ride..napaka-thrilling talaga ng surf dance..may mga bagay akong tinanaong kay “tweet-tweet” at napansin kong tuwing sumasagot siya ay sinasamahan niya ng matamis na ngiti..

napa-“syete” ako sa loob-loob ko..”anu ba problema nito??nakakaloko ngiti mu ah!!??”,sa isip ko..

hindi ko siya pinansin at nag-focus ako sa pagsigaw ng mga hinanakit ko habang nasa ride kami..kahit gaano kalakas ang sigaw ko,hindi ko kayang pangibabawan ang boses ng mga taong nagsisigawan..hanggang sa nailabas ko na..naiyak na ako..

at ang lokong “tweet-tweet”,bigalng tumawa ng nakitang umiiyak ako..”loko ka talaga,pasalamat ka badtrip pa ako..”sabi ko sa sarili ko..

pagbabang-pagbaba sa ride,hinanap ko kaagad si kuya Danly,(siya yung nagsabi kay aw-aw),hindi ko akalain na hahagulgol ako ng iyang sa balikat niya..nag-panic yung iba habang iyong iba wala lang..di nagtagal ay nabalik ko na ang sarili ko..

nakaakhiya naman kay tweet-tweet,nakita niya akong umiiyak..hindi naman kami close pero lam ko mabait siya..

pumila na kami sa last ride namin,,bump car..umuwi na iyong iba dahil quarter to 12 na..habang kami,nakapila pa..misan lang yun noh,,dapat sulitin ang bayad..

sa sobrang “emo” ko,gutom ako sa yakap..nagpayakap ako kay Rigel,kay Kuya Danly,at kay tweet-tweet na hindi ko akalaing papayag..

gosh..ang sarap ng feeling,napapikit pa ako sa yakap niya,kahit sandali lang parang malaki ang nawala sa bigat ng nararamdaman ko..

at ang nakakagulat pa,just as we were separating our arms from each other,biglang nawala nag ilaw..and a few seconds past,bumalik na kaagad..

my imagination was strong..”is this a sign??”..

hindi natapos doon ang lahat..

pauwi na kami..mahabang lakaran..para kaming mga lasing na naglalakad,ganun nga siguro yung epekto ng surf dance sa amin..tawa kami ng tawa na parang nahihilo..basta parang lasing(kahit hindi ko pa alam kung anu talaga feeling ng lasing?)..

sa sobrang hilo ko,naghanap ako ng brasong masasandalan kahit habang naglalakad,kailangan ko lang talaga ng alalay..

si Rigel ang nakita ko,pumayag naman..pero sa sobrang kaartehan talaga ng lalaking yun,maya-maya ayaw na niya..

nakita ko si tweet-tweet..

“pasandal ah,nahihilo na ko eh,..”at aktong sandal ko naman,,mukha namang payag eh..

hindi ko ma-explain ang nraramdaman ko nun..masyado aklong conscious sa mga galaw ko..kinakabahan ako kasabay ng pagbukas ng mga senses ko..hindi ko kaya ang katahimikan..

“bakit ang tahimik mo??”,tanong ko sa kanya..at napansin ko ang maingat niyang pag-alalay sa braso ko..”para naman tayong nasa JS prom..”

“ganyan talaga”..yun lang ang sagot niya..

nakarating kami sa sakayan ng jeepney..saktong magkatabi pa kami,at umarteng antok na ako’t napasandal sa balikat niya..

“ang sarap talaga..sana huminto ang oras..”ang tanging nasa isipan ko..hayyyy…

lumipat kami sa susunod na jeep at katabi ko ulit siya..pero hiindi na ako sumandal,masyado ng halata..na-guilty ako ng todo ng bumaba ako ng hindi man lang nagpasalamat sa kanya..buong gabi kong inisip ang ginawa ko..hindi na normal to..may iba na akong nararamdaman ah..

 

at iyon na pala ang simula ng karma..

(bitin ba???hehe…)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: