breaktime muna..isip-isip lang…♥


masarap magsaulat,kasi pag nagsusulat ka,akala mo artista ka..feeling mo kung sino kang bayani na tinatanong ang buong buhay.pero pagtapos mong ilabas  sa pagsusulat lahat ng hinanakit mo na parang nasa CR ka’t nilalabas lahat ng kinain mo,magugulat ka na lang at maitatanong mo “sino naman magbabasa nito?”

kaya maraming tao ang naliliitan sa mga writers.”journalist ka lang??”, “writer lang trabaho mo?”…masakit din pala sa tainga yung salitang LANG…lao na pag matataas na tao yung nagsabi,yung tipong ex-convict ka kung maliitin.Pero kung iisipin,ang mga taong akala mo perpekto kung makapanlait,siya pa pala ang mas may diperensya.sya pa pla ang hindi mahilig magbasa kaya galit siya sa mga taong gumagawa ng mababasa..

hindi ko ginawa to para makagawa ng article.minsan,kailangan mo lang magsulat pra mabuhay ng matagal.para mailabas ang sama ng loob upang may mahugutan ng hininga,para ma-express lahat ng galit at emosyon na tinatago mo.Para maibahagi ang mga nasa isip mo dahil feeling mo wala ng oras ang iba para makinig sa’yo.Pero masarap magsulat kung alam mong may pag-aalayan ka ng sulat na yun.na may handang magbasa at matiyagang tapusin at basahin ang katauhan mo.na hindi pala lahat ng tao makitid ang utak at may nag-iisa pala na handang makinig sa boses ng katauhan mo.

pero malabong mangyari yun.iba na kasi talaga ang panahon ngayon.sa hirap ng buhay,wala nang paki ang mga tao sa pinagsasabi mo.sabi nga nila,”bakit pa kita pakikinggan?anong makukuha ko?..”..pero ang tanong ko,kailangan bang sa lahat ng bagay may makinabang??

kaya hindi matapos-tapos ang kagukuhan sa mundo eh.laging naglalamangan, nagpapataasan.bakit, pag nasa taas ka ba,sigurado kang hindi mo naiwan ang kaligayahan mo sa baba??

komplikado din pala ang buhay.May mga bagay na akala mo yun na.akala mo tapos na paghihirap mo.pag yumaman ka,akala mo okey na.magugulat ka nalang yung anak mo inambush na pala.pah naging politiko ka,akala mo kung sino na.di mo alam paglingon mo nanjan na si kamatayan..

speaking of death,bakit ba sila takot mamatay?ayaw ba nilang matapos na ang paghihirap nila??ako,gusto ko.marami na kasing kakaibang uri ng taong nagsusulputan.mga taong nagsasabi ng mga salitang mala-anghel ka kung nakaharap pero bigla kang -su-surprise ng icepick pag nakatalikod.akala mo kung sinong feeling close na friend antamis ng ngiti tapos puro maaanghang na salita pala ang binabato sayo ng hindi mo alam.

nakakalito na ang mundo.hindi mo alam kung sino ang sino.yung aakalain mong kakampi mo hanggang huli babaliktad pala bukas.ang pinagkakatiwalaan mo ng buong puso yun pa pla ang unang mananakit sayo.

pero citizens of the philippines,do not fear.kailngan lang ng lakas ng loob at pagamamahal sa sarili.lahat naman ng tao nasasaktan,lahat nasususgatan,lahat nagkakamali.what we need to do is to study the lessons behind our mistakes.saka mo sisishin ang sarili mo kung pang-samung beses ka nang nagkamali and you still find yourself in that same sitaution.

 

tsk,tsk…be careful!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: