4 d 1st tym…♥


 

sa araw-araw na byahe ko sa kahabaan ng EDSA at sa paligid ng makati,natuto akong mangarap para sa sarili ko. May mga pangarap din nmn ako pero hindi pra sa akin kundi para sa pamilya ko. At sa biyayang binigay sa akin upang makapaglakbay tuwing umaga, madaling natuwa nag mababaw kong puso dahil ngayon ay nagkaroon na ako ng pangarap para sa sarili ko,sa unang pagkakataon naisip ko ang sarili ko.

Wala naman talagang interesting sa panonood sa lansangan lalo na sa EDSA.kung iisipin,kahit saang lugar naman boring kung titingnan.Pero sa mga umagang iyon,hindi ko nakakalimutang buksan ang mga mata ko(kahit inaantok pa) at ang puso ko(na sobrang pagod na).

Nagsimulang maakit ang  mga mata ko sa mabibilis na motor.Nagsimulang magtanong ang malikot kong isipan.Ano kayang pakiramdam na humahampas ang hangin sa mukha mo (kahit pa usok na mula sa tambutso ng ibang sasakyan), ‘yung kaba at “thrill” sa pagmamaneho sa gitna ng daan, ‘yung kakaibang saya kapag nag-“go” ang stoplight at nasa likod mo sumusunod ang iba pang sasakyan at para bang ikaw ang may ari ng daan.Kung anong pakiramdam ng pag-kontrol ng isang bagay na para bang parte na ng katawan mo.

Alam ko hindi ako tulad ng ibang “babae” na nangarap ng isang “closet” na puno ng mamahaling damit o isang katerbang brandesd shoes at chanel bags. Hindi ako nangarap ng mga kumikinang na alahas at mala-tuition sa mahal na make-up.Walang korona, walang Victoria’s secret na underwear, walang nakaka-high na perfume..as in wala.

At ngayon,sa hindi inaasahang pagkakataon, nangarap akong magkaroon  ng motor na maibabandera sa daan.Isang simpleng motor na mamahalin ko na parang parte na ng katawan ko,motor na magiging testigo sa kagandahan ng mga lugar na pupuntahan ko.Isang motor na patunay na sa unang pagkakataon,naisip ko ang sarili ko..na para sa sarili ko at wala ng iba…♥

dream motor??!!

dream motor??!!

Advertisements

1 Comment (+add yours?)

  1. eTnorB
    Jun 24, 2009 @ 01:28:16

    nice one… motor pla ang gusto you uh…galing keep it up… just dont give up… maabot muh rin un… muah…

    Like

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: