dAdDy’S GiRl…♥


Nung bata pa ako,marami akong tampo sa tatay ko.Lalo na nung nalaman kong wala siya sa tabi ni mama nung nailuwal ako sa mundo.Naramdaman ko na ang masakit niyang palo nung 3 years old pa lang ako.Pero hindi ko inalintana yun.Mahal ko si Papa.At tumibay yun hanggang sa paglaki ko.Lalo na tuwing naiku-kwento ni mama na nahulog kami ni papa a hagdan ng boarding house nung baby pa lang ako.Nagulat daw si papa kasi tawa ako ng tawa.Sa paglipas ng panahon,lalo kong nararamdaman na parang favorite ako ng papa ko.Certified daddy’s girl ako.

Lahat ng hilingin ko na ipinapaalam ko kay mama,hindi niya mabibigay.Pero kapag si papa nilapitan ko,lahat yun,hindi niya rin maibigay..hehe..pero konting lambig at yakap lang dun,sabay malambing na pingot niya sa tainga ko “o,eto,bilin mo yun kailangan mo..”…yehey!!..yan si papa..

Kaya’t sa mura kong edad,lahat ng pwede kong gawin para maging proud siya,ginagawa ko.Nag-aaral akong mabuti lalo pag exams..may kasunduan kasi kami dati pa na kapag hindi lumampas ang mali ko sa 3,bibilan niya ako ng half gallon na ice cream na paghahatian naming lahat..Nakailang ice cream din ako nun..Wala akong ginawang bagsak na alam kong makakapagpasakit ng loob niya.Di tulad ng dalawa kong kapatid..

Pero hindi inaasahang pangyayari,tulad ng kwento sa lahat ng family stories,darating at daratng ang panahon na makaka[agpabago ng buhay mo.At dumating ang sa akin…

2nd year high school ako ng panahong iyon..Dumating ang problema na parang hinulugan kami ng nuclear bomb ni Einstein.Hindi lang isang araw ang mga nagyari,simula ng araw na sumabog ang nakababahalang bomba,naging kalbaryo na ang buhay ko.Gabi-gabi akong umiiyak bago matulog.Hindi nila alam,hindi nila pansin.Masyado kaming apektado sa problema kaya siguro hindi nila namamalayan ang maga kong mata tuwing umaga.Gabi-gabi ko ring kinakausap si God para tulungan niya ako.Hindi ko kaya.Gusto ko pang lumaban kahit wala na akong lakas..

Ilang galit,poot,sama ng loob ang inipon ko sa bawa’t gabing nagdaan.Walang nakakaalam ng iniisip ko,ng nararamdaman ko.Itinago ko lahat sa tawa at biro pero nailalabas ko lang ang tototoong ako bago ako matulog.Habang tumutulo ang mga luha ko.

Hanggang sa isang gabi hindi ko na nakayanan.

Patay ang ilaw at umalingasaw na naman ang mabahong amoy na dulot ng nuclear ni Einstein.Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko na gabi gabi ko ng ritwal.Pero gusto ng lumabas ng mga hinanakit ko.Ayaw na nilang magtago.Gusto kong sumigaw,isigaw lahat ng sakit pero kailangan kong pigilan dahil maririnig nila..Hanggang sa bumagal ang at bumigat ang paghinga ko.Hindi pwede,kailangan kong huminga ng malalim para mapigilan ko ang tunog ng pag-iyak ko..Pero hindi kaya ng katawan ko.Sa halip,bumilis ang hininga ko at lumakas na dahilan para magsindi ang ilaw at lumapit ang mama ko.

Nak,gising!!”…sabi ng nag-aalala kong mama.Akala niya tulog ako’t binabangungot.Dinilat ko ang mata kong malabo dahil sa mga naiipong luha.Hindi pa rin tumigil ang mabilis kong paghinga.Umiiyak na ang 2 kong kapatid.Buhat buhat na ni mama ang ulo ko,,..”ssshhhh…”sabi niya..pero gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko sa mundo,hinanakit ko sa kanila,hinanakit ko sa sarili ko..It’s now or never,ikanga..

Pero sa dalaginding kong utak,nagtatanong…”Asan si papa??…”

At mayamaya lang sinagaot ako ng isang imahe na nakatayo sa ulunan ko.Malapit lang sa pintuan.Halos katabi ni mama..nagsalita ang imahe at saka ko naisip na si papa na pla yun…”itigil mo ‘yan!!..anung gusto mong mangyari?dalhin ka sa ospital??dagdag gastos na naman yan!!”..

   Siya ba yun??Siya ba yung dati kong tagapagligtas ng mahulog kami sa hagdan??Siya ba yung niyayakap ko pag may kailangan akong bilhin??Siya ba yung pumipingot sa akin bago ibigay yung hinihingi ko??Siya ba yun??Siya ba si papa???

Simula ng gabing yun,hindi na nawala ang eksenang iyon na nakakatatak na sa utak ko..Galit ako kay papa..Lalo na ngayong mas pabor na siya sa bunso namin.Hindi na ako basta-basta hihingi sa kanya kahit kailangan ko na.Hindi na ko na ginagalingan ang pag-aaral ko,di baleng maraming mali,pasado naman..Wala na akong pakialam sa sarili ko,hindi na niya ako mahal,iba na ang daddy’s girl sa pamilya..si bunso na..

Kahapon,umuwi si papa galing sa trabaho..“Boy,(kapatid ko)handa mo na higaan..May(bunso namin),mag-init ka ng tubig…”…masama pakiramdam niya..Wala akong imik,tinituloy pa rin ang gawaing bahay na nakasanayan ko nang gawin simula ng magtrabaho sa abroad si mama..

Matapos niya inumin ang kapeng tinimpla ng paborito niyang anak,nagpahinga na siya..Kasabay ng pagtapos kong magluto ng ulam,sumuka siya..marami,malakas..”anong nangyayari sa ‘yo pa??”..nag-aalalang tanong ni bunso..Tuloy pa rin sa suka si papa..

Hindi ko alam kung paano natapos ang gabing iyon..Pero naalala ko,bago ako matulog,kahit hindi ko tanggapin,mahal ko talaga si papa..At hindi ko kayang mawala siya…♥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: