aDvEnTuRoUs tUeSdAy AfTeRnOoN…♥


tuesday,june 23..(afternoon)

after feling so rejected from a loved-one, my classmate eTnorB and I decided to go to our favorite tambayan of all times..the MAKATI PARK AND GARDEN..(syempre tapat lang ng school ang mala-heaven na sanctuary na ito)..

we decided to talk about a lot of things..about how things were a lot easier before we thought that telling our  own “prince”  how  we love them so much is a good idea..But heck,we are so wrong..

Napansin namin ang pag-itim ng langit at may kulog and kidlat effects pa.. Biglang may pumasok na alala sa utak ko na para bang binato ako ng malapot na pupu ng cow galing sa isang lasenggong dumaan..(*yuck*)

Naalala ko yung mga panahon noong  bata pa ako,masayang naliligo sa ulan kasama ng mga kalaro ko at tuwang-tuwa sa mala-shower na tubig galing sa alulod ng kapitbahay..di pa alam na marumi pala yun..^^,…humahalakhak habang nagbabasaaan galing pa rin sa parehong alulod at hindi namalayang kanina pa pala huminto yung ulan…wahaha..  walang kasaplot-saplot kundi ang mga panty naming hello kitty,bugs bunny,spiderman,kerokeropi at iba pa..

We talked about different stuffs, our celebrity crushes and movies we’ve seen..when it was my turn to tell the particular movie I’ve wacthed,the skies went darker than it has ussually been.

Hindi ko na pinansin yung sama ng panahon at halatang babagsak na ang pinakamalakas na ulan….sige pa rin sa kwento..tawanan lang..

Nasa kalagitnaan na ako ng kwento,kumbaga nasa climax na..biglang nakisabay ang climax ng panahon..pumatak ang malalaking butil ng ulan..sabay kaming napasigaw ng pabulong..(“PABULONG!!!)….wahaha..hindi ganun..parang mahinang sigaw lang..sabay bukas niya ng payong niyang de-tupi..langya,nasiyahan yata si ulan.lalo pang lumakas..wala kaming nagawa kundi pumunta sa pinakamalapit na silong..na kung iisipin e 50 meters away.. kaya kung i-imaginin mo iyon mukha talaga kaming mga basang sisiw..mga sisiw na nadurog ang puso ngunit patuloy na tumatawa sa kaligayahang handog ng ulan..ulan na nakapagpabawas sa dinadala naming mabibigat na sama ng loob..

Nakarating na rin kami sa patutunguhan sa wakas..hayyyyy….pero hindi sumuko ang makulit na ulan..sinabayan pa ng hangin na may galit sa tao at biglang tilian naman ng mga first year students na galing din sa school namin..(second year na nga pla kami..^^,)

Maya-maya..bigala kaming nagkatitigan..sabay sabi niya sa akin…”tapos??“.. bilang pahiwatig na itutuloy ko na yug naudlot kong kwento tungkol sa movie..BWAHAHAHAHA…mukha na kaming mga model ng playboy mag na nakipaglaban sa gyera ng 300 pero yung kwento pa rin yung nasa isip namin…nyahaha…

Kakaiba talaga ‘tong babaeng to..sa unang tingin mo sigurado mabibighani ka..as in..mala-anghel ang mukha niya at parang di makabasag pinggan..super conservative..(conservative din naman ako pero may pagka-wild sa loob,,,nyahaha..)…pero bukod dun,halos magakapareho kami,,kumbaga kapag tinanong ako: “sino sa mga kakilala mo ang pinakamalapit sa ugali mo??”..siya ang isasagot ko..pareho kaming mag-isip(kahit gaano ka logical o ka-green yan,getz namin..isang ma-“L” na salita lang at saktong titigan sa mga mata namin siguradong halakhak na ang kasunod..nyahaha)..siguro nga kung magkamukha lang kami mapagkakamalan na kaming kambal..wahehe..pero hindi,tanggap kong mas maganda siya..kahit ako,kung magiging lalaki lang ako,magkakagusto ako dito e,..mabait na,maalaga,matalino,maganda pa.. syempre,sabi ko nga parang salamin ko na siya kaya ganyan din ako…nyahaha..palitan mo lang yung huli..hindi ako maganda..tanggap ko iyon..hindi mala-anghel ang mukha ko at mukhang papatay ng tao.. I prefer to be called “CUTE”…bwahaha..yan ang banat!!…wahahaha..

(back to the event)..edi yon..natapos na ‘yung kwento ko,di pa rin tumitigil yung ulan..as usual,nagmasid ako..(un lang nman ginagawa ko pag la ako magawa eh,..)napansin ko si Manang at ang anak niya..malapit lang sa amin,nasa loob din ng bilog na sementadong mini-house(na walang dingding)..ang nakaka-inggit dun,sila may payong,kaya safe sila kahit gaano kalakas ang hangin at ulan na pumapasok sa loob ng masisilungan na iyon..pero ang malupit nun,yung pagakakahawak niya ng payong..astig,wla kang makikitang ni isang patak ng ulan sa kanya at sa 3 y/o na anak niya..grabeh,kahit gaaano kalakas yung hangin walang panabla ke manag..,lipet moh idol!!!..

Maya-maya lang,tumigil yung ulan..”ano?ready na??“tanong niya sa akin.. kasabay ng tawa matapos naming magsuklay,sinugod namin ang papahinang ulan..wahaaha…baha pa yung natahak naming daan palabas ng park..yung mga sapatos namin napasukan na ng tubig-ulan..yung doll shoes niya,kapag humahakbang may lumalabas na tubig..wahaha,,hi-tech..parang sponge!!…wahahaha…

Mabait talaga siya,hinatid pa niya ako sa sakayan ng jeep..wala kasi akong payong at kapag hindi niya ako hinatid,kakainin ko mata niya…bwahahaha..

Nag usual “ingat” na kami at syempre sabay tawa..”mala-adventure ‘tong araw na to..“naalala kong sinabi niya..”adventure kasi parang kakaiba“..mga salitang namumutawi sa bibig niya noong hapong iyon habang tinatahak namin ang daan papunta sa bilog na masisilungan…

OO,adventure nga..napangiti ako habang nasa loob ng jeep..(mukha akong baliw na basang sisiw)…sinabayan pa ng pagtigil ng ulan at pagtirik ng araw..napa bulong ako ng malutong na “‘NAKNANG…”…♥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: