eye-opener…♥


   nung aug.13, thurs. pagtapos ng klase,pumunta ako sa isang matandang babae. ‘yung dahilan, strictly confidential, plz. wag na tanungin..

   ang tawag ng lahat sa kanya, ” mommy Guerrero”, apelyido niya yung huli. 3 years na siyang naka-“tambay” sa higaan kasi nahagip siya ng kotse one day..

   medyo masama pakiramdam niya noon, naambunan daw siya while doing her everyday walks in the afternoon. inaamin ko, nainis ako ng konti. ayoko nang pinagmumukha akong t*nga at sasabihan ng mga bagay na feeling nila papaniwalaan ko.

   ewan ko po, pero sa mga sinabi niya parang overacting na kasi. ubo, ubo tapos sasabihin,” paki-sabi sa mama mo magpadala siya para may pambili ako ng gamot. alam mo kasi ilang araw na akong..blah,blah,blah..”

   bahala kayo kung green-eyed monster na nga ako,hindi ko ikakaila na sumagi sa isip ko na “pano kaya kung mamatay ‘toh ngayon? siguro maraming matutuwa..” see??.i’m evil..watch out!!

   pero maya-maya,nakonsensya ako for thinking such things. kapag konsensya pa naman ang kalaban, suko na ako. ito yung mga sinabi niya:

   mommy guerrero(MG): alam ko naman mabait ka..wag ka munang mag-aasawa ha?! tulungan mo muna mga magulang mo..

   ako: <*tango*> naku, hindi po. wala nga pong boyfriend eh.

  MG: naku. di mo masasabi yan. maganda ka naman. hindi nga kita nakilala nung pumasok ka sa pinto eh. sabi ko ,’ sino kaya tong dalagang ito,’..<*tawa*>

   ako: < di nakapag-salita, na-shock pero smile pa rin>

   MG: ingat ka ha?! sige, sabihin mo na lang sa mama mo..

   ako: opo, thank you po.. <*alis na*>

   hindi ko alam kung anong naramdaman ko ‘nun. paulit-ulit yung mga sinabi niya sa utak ko.

   “MAGANDA KA NAMAN…”

   ilang tao na rin ang nagsabi sa akin nun, madalas hindi ko kilala, at madalas hindi ko pinapansin. kelan ba ako naniwala sa kanila? bakit ni minsan hindi ko binigyan ng atensyon ang katotohanang ‘yun?

   seryoso ako, hindi kayabangan…kaw na humusga..

judge me..

judge me..

   i mean, di ba? matanda na ‘yung nagsabi, alangang magsinungaling pa ‘yun? sa likod ng ubo-ubo niya, makakapag-sinungaling pa ba yun?!

   i give all my respect to the elderly. dahil alam kong mas marami silang alam, mas may experience.  at naniniwala ako na ‘di nila magagawa pang magsinungaling, lalo pa’t <face the fact>, bilang na ang mga araw nila.lets be realistic, i have a point here.

   pero bakit???

   bakit kailangan pang dumating sa sitwasyon na ‘yun bago ko paniwalaan ang sinasabi ng iba? bago ko paniwalaan ang sarili ko??…T_T

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: