asa..


ang salitang pinanghahawakan ng maraming tao..

iba wala lang,hinahawakan na parang palamuti sa katawan nila..di baleng mawala,ok lang kung hindi..

pero maraming tao,ito lang ang pinanghahawakan, pra iapagpatuloy ang buhay..kahit gaano kahirap,basta meron sila nito,ok na..tuloy ang laban, ika nga..

may mga umaasang manalo ng lotto,may umaasang makapasa sa bar exams, umaasang makaabot pa sa klase, umaaasang kakasya ang pamasahe..

may umaasang lalaban pa ang katawan ng mahal sa buhay, umaasang hindi pa patay ang sundalong ama, umaasang babalik pa ang minamahal..

asa..

ang bigat ng salita kung iisipin..

lalong mabigat na responsibilidad kung ipapatong mo ang salitang yan sa isang tao..

tulad ko..

hindi ko alam kung anong ginawa ko sa iba,kung bakit ganoon ang tingin nila sa akin..kapag may problema sil, hindi ko kayang hindi sila patawanin..lalo na kung may pinagsamahan na kami..bibigyan ng konting advise at hindi nawawala ang tapik ko sa likod nila sabay sabing “kaya mo ‘yan!”, at ngingiti..

masarap din sa pakiramdam na kahit papano napa ngiti ko sila sa sitwasyong yun..pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko yun magawa sa sarili ko..

siguro isa na rin akong doktor..gumagamot sa sakit ng ibang tao,pero kapag ako na an magkasakit,hindi ko magamot ang sarili ko..

o mekaniko..taga-kumpuni ng puso ng iba..pero sarili kong puso hindi ko kayang kumpunihin mag-isa..

o payaso..nagpapatawa ng mga taong malungkot..ngunit pagtapos ng palabas,kahit anong saya ang naibigay ko sa iba, hindi ko maibigay ni katititing sa sarili ko..

mahirap..

sana nakikita ko ang sarili ko pag may problema ako..sana maibigay ko sa akin yung pag-asang naibigay ko sa iba..sana makita ko ang pag-asa asa sarili ko..

sana..

sana hindi ako mawalan ng pag-asa..

hindi para sa akin..

kahit para na lang sa kanila..

pag-asa ng ibang tao

pag-asa ng ibang tao

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: