crazy over DREW…♥


akala ko tapos na..

akala ko wala na..

mali pala ako..

* * * * *

nung debut ko, nagbigay ako ng letter sa mga classmates ko, bawat isa sa kanila meron.. wala akong kinalimutan..close man  o hindi, may sulat galing sa akin..

meron din si Drew..

at sa kanya ang pinaka-malupet..

sinabi ko na lahat ng nararamdaman ko simula pa noong 1st sem last year.. as in lahat, walang kasinungalingan.. gusto ko nang lumaya sa mga pakiramdam ko at mag-focus sa mas seryosong yugto ng buhay ko.. at sinabi kong wala na.. hanggang brotherly lone na lang ang nararamdaman ko..

totoo yun,para ko na lang siyang kapatid..

pero as the days go by, i saw myself walking and falling to a familiar path..

falling for him..

hindi ko alam kung bakit..

pinipilit kong sabihin sa sarili ko na wag na, sasaktan ko lang ang sarili ko..

pero hindi ko kinaya.. kung anong pilit ko, lalong lumalala..

* * * * * 

may isang activity sa isang subject namin.. pinadala kami ng picture ng tao o bagay na mahalaga sa amin.. dinala ko picture ng f3, mga close friends ko na feeling ko, hindi mabubuo ang araw pag di ko sila nakita..

at syempre, ang dala ni Drew, picture ng mahal niya, pero hindi niya gf.. matagal na niyang sinabi sa akin ‘yun.. at talagang baliw siya sa babaeng ‘yun..

sabi ng prof namin, humanap ng partner na pinaka-pinagkakatiwalaan mo.. since malapit sa akin si ai, na kasama sa f4, at una kong naging ka-close, kami ang naging mag-partner..

nagulat ako ng tinawag ako ni Drew. partner niya si tweet-tweet..

hindi pa natutuloy ang activity, kinulang sa time..

pero pagtapos ng subject na ‘yun, lumapit sa akin si Drew..

dapat ikaw na lang eh.. mas marami kang alam kay ____“, sabi nya..

naunahan ka ni ai eh..”,sagot ko naman.

masaya..

pinagkakatiwalaan niya pa rin ako.. kahit alam niyang minahal ko siya..

at hanggang ngayon, hindi pa rin pala nawawala..

pero hindi niya na dapat malaman pa..

para ‘san pa di ba??

gaya ng dati, masaya na akong nakikita siyang masaya,.. at nakakausap siya..

at super saya na hanggang ngayon, may tiwala pa rin siya sa akin.. kasali pa rin ako sa mundo niya..

ok na yung mga pagtkakataong nagkakatitigan kami, nagsi-share ng iisang mp3 at nagkakahawakan ng kamay..

ok na ‘yun..

kahit hanggang dun lang…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: