wag mo akong akitin!!..♥


nyahaha..

uy! ano iniisip mo?!..haha..

title lang yan..

as usual, love-related na namam..

hindi ko nga alam kung bakit ganun. kahit ayoko na, ‘di ko talaga mapigilang hindi i-blog.

siguro dahil walang nasasabihan.

siguro kasi,

babae ako…

* * * * *

oct. 11, ’09 (sunday)

badtrip ako.

8pm pa lang, ready to sleep na ako. tapos na mag-dinner.

andami kong naisip.

ganun talaga siguro, gumagawa ng sariling mundo pag malungkot.

naisip ko si Mel, close friend, part ng F4 (all girl group- me, mel, etnorb, ai). pag ganitong malungkot ako, masaya naman siya. coincidence lang siguro pero ilang beses na ring nangyayari.

naisip ko si Ketucah. March 5 kami huling nagkita, april na huling nakapag-communicate. masaya na rin siguro siya.

sumagi si tweet-tweet.

tapos si reymond, ka-loveteam ko nung garde 3.^^

the, si mark, karibal ni reymond..hehe..

‘di naglaon, naisip ko si Drew.

* * * * *

oct. 10, ’09 (saturday) (same day i blog “crazy over Drew”)

nagkaroon kami ng walk for a cause, required.

nagsimula na ang parade, wala pa sila.

sobrang init.

nang makatanggap ng text ang isa kong klasmeyt na dumating na sila, bumalik kami. ayaw na rin naman naming tapusin yung mainit na walkaton.

ansaya, dumating sila.

pero ansaklap, di kami nakapag-usap.

ok na siguro, andun siya.

* * * * *

hanggang sa makatulog ako, siya ang iniisip ko.

paano kung…basta. kung anu-ano na lang pumapasok sa isip ko.

kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko. nakatulog ng mahimbing.

* * * * *

oct. 12, ’09 (monday)

2 weeks na lang sembreak na. ilang araw na lang, hindi ko na sila makikita.

at siya..T_T

pagtapos ng 1st subject, pupunta ako sa may entrance ng building. aabangan ko yung crush kong si “emo boy”. emo kasi siya nung highschool kami eh. ngayon hindi na..

“jhemz!”, boses ni Drew.

bakit ganun? pag boses niya anlinaw ng pandinig ko? e normally bingi ako?..^^,

‘di ako lumingon.

inulit niya.

limingon na ako, “bakit?”

nagbibiro siya. kunwari pilay habang lumalapit.

“para kang si Jim Carrey..”, sabi ko.

“si Jim Carey na minahal ko..”, sabi ng utak ko..yup, in-love ako kay Jim Carrey..hehe..

“alam ko na ‘yung pangalan ng crush kong tiyanak”, sabi niya.

“sinong tiyanak?”, ang na-emphasize ko kasi yung TIYANAK hindi yung CRUSH.

napansin kong nakaharang kami sa entrance ng buiolding. hinawakan ko kamay niya at hinila siya sa may gilid…weeee..moment..(♥♥,)

“yung crush kong psychology..”, sagot niya.

“crush mo tapos tinatawag mong tiyanak”, di siyta sumagot. “anong pangalan?”

“April…”

“hmmppfft…hulaan ko bday nun April!!”, sabi ko. not looking at him. ayoko nga tumingin, mamya may mabasa pa siya sa mata ko.

“malamang “, sagot niya.

papalayo na siya. wala na kasi kaming mapag-usapan eh.

naisip ko,

april??

$h!T..

kundi aries, taurus yun. compatible sila!! T_T

heck, lahat naman ng girl nagkakagusto sa kanya eh.

‘yun nga eh..T_T

wala pa si emo boy..

ouch, double kill!

or monster kill?!

wu…

DOMINATING  ang pain, ansakit..

* * * * *

nag-internet ako pagtapos ng scene na yun.

after half an hour, dumating siya. magdo-dota sila. pero nag-facebook muna.

ka-chat niya si Ai, part ng F4.

ouch, bat ganun?

“dapat bubuksan ko yung sayo para i-cheat eh..”, sabi  ni Mel kay Drew.

“hindi..ganyan ka naman eh..”, sagot ni Drew.

double ouch!

ba’t ganun? nadedemonyo ako. pati mga kaibigan ko pingaseselosan ko..

wah!! ansama ko..

* * * * * *

pumunta kami sa isa pang compshop kung ‘san andun si Ai.

“sabi ko sa inyo andito siya eh..”, sabi ko sa mga kasama ko pagpasok namin.

wala ng facebook sa monitor niya.. youtube na lang.

bakit ko ba hinahanap? sinasaktan ko lang sarili ko. ansama ko…T_T

paglabas ng compshop, saktong andun si tweet-tweet with 2 classmates.

wala lang..

“WALA LANG??!!”, sigaw ng utak ko. “$h!T ka! $h!T! $h!T! $h!T!..adik ka ba?? ayan si tweet-tweet! dapat masaktan ko or manghinayang man lamang. dapat nga isipin mong sana bumalik yung dati eh..”

“tama na!!”, sagot ng other side ko. “pasensya, anong magagawa ko? eh ganun eh.”

para akong baliw.

* * * * * *

after lunch, umakyat na kami sa next subject namin.

nakita ko si emo boy sa room nila.

may katabing babae, close sila..

$h!T..

ano toh?? most depressing day of my life??

sa sobrang badtrip ko, lumayo ako sa mga kasama ko at nagsulat ng mga hinanakit..

here is an example..

$h!T..

nakakainis.

bored. in love. bored. jealous. confius. bored. saved. bored. happy. jealous.

grrhh..

bakit sila ganun?

bakit ako ganito?

bakit mali ang tama?

pero mali ang mali?

masarap ang mali, masakit ang tama.

mas masakit ang masarap

kaysa sarap ng sakit.

$h!T…

ang hirap.

challenge ba toh/

anggulo..

$h!T…

ansakit sa ulo.

sino ba?

meron ba talaga?

o wala?

kung wala, bakit masakit?

pero tama bang masaktan sa mali?

at mali bang makaramdam ng tama?

kung ang lahat ng dapat kong maramdaman

ay masarap na kamalian,

at kung mas masakit ang masarap,

bakit kailangan ko pang maramdaman?

kung mali lang din naman?…

marami pa nga eh.. pero ayoko na i-share.. masyado nang makapag-bagbag damdaminj..^^

* * * * *

3pm. after our last subject. lumabas ako.

“uwi na kayo kagad?”, tanong ni rigel, kasabay ko din umuwi.

“may pupuntahan ako eh…”, sabi ko.

laktawan natin yung ibang details.

lumingon ako sa may kaliwa para magsalamin sa glass ng fire extinguisher.

pagharap ko, si Drew. papalapit. as in deretso, walang second doubt.

nakatitig ako sa kanya. not exactly sa mata or sa mukha niya, pero sa kanya. parang may idea ako sa gagawin niya but i can’t move.

i cxan’t breathe.

then,

with his two hands, hinawakan niya ako sa baywang.

as my instincts tell me, i encircle my hands around his neck.parang nung acquaintance lang namin na magkasayaw kaming dalawa.

parang ganito..pero mas matino..^^

parang ganito..pero mas matino..^^

$h!T..what’s happening?

i’m panicking.

this should stop.

niyakap ko siya.

“bakit? anong problema?”, tanong ko.

“wala lang..’, sabi niya breaking the trance.” pa-flirt?”, sabay tawa at tingin kay Rigel.

bakit ko ginawa yun? natakot? siguro.

$h!T…

i should’vve not panicked.

“kailangan niya ng karamay…”, singit ni rigel.

“bakit??”, ayan na naman ako. concerned.

bakity?may problema ba siyang ‘di sinasabi sa akin?

“natatae na kasi siya kaya lumapit sayo. para magkaamoy na daw kayo”, sabi ulit ni rigel.

tawa na lang ako.

waaah?!

ano yun, Drew?

* * * * *

“antayin mo ako sa sakayan ah!”, sabi ko kay Drew.

pumunta na ako sa destinasyon ko.

* * * * *

sa sakayan….

“akala ko iniwanan niyo na ako..”, sabi ko kay Drew.

“pinigilan ko sila eh..”, sagot niya.

$h!T…

“talaga lang huh?!”, huling nasabi ko.

* * * * *

“bye..”, sabi niya ng bumaba ako sa jeep.

lumayo ako sa papalayong jeep.

bakit mo ginawa yun, Drew?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: