a nEw StEp..♥


New year na in a few days. Ano na naman kayang kabuluhan ang mangayayari? Sinong mga bagong tao na naman kaya ang makikilala ko? Anong mga pagsubok pa ang lalagpasan ko? Malagpasan ko kaya?

Andaming nangyari ng taon na ‘to. Hindi naman lahat ng bagay nagbago. Lalo na sa emosyon. Mga priority. Taong minahal. Umpisa ng taon, malungkot, nangungulila. Pagtapos ng taon, ganun pa din. Nakakatawa. Ironic ba. Sa sobrang saya, ansarap kumuha ng baril at pasabugin ang sarili kong bungo.

* * * * *

Sa totoo lang, mental blocked na naman ako. Kung may PC lang talaga sa bahay, andami ko ng nai-share na may kabuluhan. Haixt.

Nabasa ko kahapon ‘yung bagong book ni Bob Ong. ‘Yung una sa wishlist ko. Astig. Kakatanggap ko lang kahapon, natapos ko din basahin kahapon. Ayun. Na-inspired akong gumawa ng journal (actually, more of a diary. hehe..) at mas na-in love na naman ako sa pagbabasa ng libro. Nakaka-miss tumambay sa fullybooked. ^^,

These past days, nababahala ako. Pakiramdam ko talaga under ako ng Post-Traumatic Stress disorder. ‘Di ako mapakali. Akala ko nung Sem break lang ‘toh at mawawala din. Ngayon, pinipilit ko na lang maging ok by writing entries sa diary. Para mailabas din ang sama ng loob at tension.

* * * * *

Sigurado mauuso na naman ang New Year’s Resolution lalo na sa mga elementary at high school students. Dati masipag ako mag-isip ng ganun. Pero ayun nga, hanggang isip lang. These past years, iniba ko ang style. Imbes na resolution, goals na. Last year sabi ko lahat ng good attitude ko, dadagdagan ko na. Ewan ko ba. Parang naiba. ‘Yung negative pa ata ang lumala. Hahaha..

Next year, gusto ko na matutong lumangoy. Ewan ko kung pa’no. Ilog pasig lang naman ang pinakamalapit na source na pwedeng gamitin. Alangan namang dun ako mag-praktis? Edi ansaya ng mga rugby boys at kanto girls? Wahaha..

Gusto ko na din matutong mag-bike. Kahit ilang beses akong sumemplang, ayos lang. Basta matuto ako sa huli. Kahit pa pagtawanan nila ako. ‘Pag natuto naman na ako, sasagasaan ko din sila. Maghintay lang sila. Bwahaha..

Gusto ko na din magkatrabaho. Hindi lang gusto, kailangan din. Okay naman ‘yung raket ko this year kaso hindi din stable. Pero ayos lang. Pawisan nga lang. Kargador sa Baclaran. (o kargadar? Babae eh. Hahaha..)

Naransan ko din pala ang first job interview ko this year. Sa Call center. Pasado naman, ‘di lang talaga natuloy. Full time daw eh, alangan namang huminto ako para sa trabaho? Para san pa pagtatrabaho ko kung ‘di ako makakapag aral?

At recently, 2nd job interview sa call center din. Ibang company naman. Ayoko pa talaga mag-apply nun, pini-pressure lang ako nila mama. Alam ko naman kung kailan ko kakayanin at kailan ako yayari. Gabi pa lang bago ng interview, alam ko ng ‘di ako pasado. ‘Di ako nakatulog, simbang gabi din kasi. I did my best, but I guess my best wasn’t good enough. Wahahahaha..

* * * * *

Sa love life, gaya ng sabi ko. Ganun pa din. Nagsimula ang taon kay tweet-tweet, sa kanya pa din pala babagsak ang puso pagtapos ng taon. Kahit pa dumating si Lion na naging kalaro ko for 11 months. Ayun. Laro lang talaga. Unang kita ko pa lang pakiramdam ko na ‘di siya ‘yung tipong seseryosohin. Pero nakakaawa din, inlove talaga siya sa’kin nung unang month ng pagkakakilala namin. Adik din kasi, iniwan more than a year na gf niya dahil sakin. Nakaka-turn off kaya. Ibig sabihin kung kaya niyang iwan ‘yung ganun katagal, pwede niya iwan kahit gaano katagal. Parang walang substance ‘yung puso niya. Getz moh ba? Kung hindi, nevermind na lang. Hehe..

Ayun, para akong nag-hands on sa mga dating nasa isip ko lang. Siya tuloy napagpraktisan. Anlaking epekto din talaga na andami kang kalapit na playboy at mga chickboy. Nasaksihan ko kung pa’no niya binabato sa’kin ‘yung mga gawain ng lalaking naglalaro. Hindi niya alam, matagal ko ng alam ‘yung mga ‘yun. Siya tuloy nabalikan, mas malakas pa.

Oo, masaya din makipaglaro. Para kang nakikipag-chess. Iniisip mo bawat kilos mo, at potensyal na kilos ng kalaban. Ang maganda lang dito, hindi niya alam na ako kalaban niya. Akala niya ako ang biktima. Masaya nga, pero kung iisipin, nakakaawa ang mga taong tulad nila. Sila ‘yung mga taong nasaktan at akala nila defense nila ‘yun. Kung ganito ang takbo ng utak ng bawat tao, wala ng makakapag-asawa. Makapag-asawa man, wasak din sa huli.

Ayun, nagkakasalubong kami sa school. Kasama ‘yung gf ata niya. Pero pinopormahan pa din ang klasmeyt ko (dati pa naman talaga, akala din nila ‘di ko alam). Wala na akong pakialam, nakakapagod din kasi. Simula nung sembreak, ayoko na makipaglokohan. Sayang sa load. Wahahaha..

Balik tweet-tweet ulit. Kahit ilang beses ko ulit-ulitin sa sarili ko na naka-move don na ‘ko, hirap pa din talaga burahin sa puso ang first love. Kaw ba, na-try mo na? Kalimutan ‘yung first love mo? Hirap di ba?

* * * * *

Mental blocked ako sa lagay na ‘toh ah?! Wahaha.. Basta kung ano man mangyari, tulad ng lagi kong pinagdadasal, bahala na si Lord. Sana makayanan ko pa ang susunod na taon. Sana ‘di ko na din sasaktan sarili ko. Ilang beses ko na nababali promise ko kay tweet-tweet. Hehe.

Good health, longer life, supply ng stregth, unlimited hope, success, love! LOVE! (hehe..), at money! Wahaha..

Have a happy and posperous (spelling?) New Year sa ating lahat! AJA!!

…♥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: