tHiRtEen…♥


♥ TO MY BEST-EST BEST FRIEND ♥

MY BEST FRIEND ^__^

Happy Happy Happy Happy Happy Happy Happy Happy Happy Happy Happy Happy Happy  Anniversary , Bez!  143 years na tayo !!! Yay! <*sabog confetti*>. Kumbaga sa kagamitan, antigo na. Kung sa alak, mas masarap. Sa relasyon, super tibay. At sa pagkaen, ay naku! Bulok na nulok na! Haha.

Aykentbilibid! Antagal na! Nagsimula lang sa ulan (kaya nga siguro aylab da reyn), tapos ngayon na matatapos na (sana!) tayo sa pag-aaral. Lalabas na tayo sa tunay na mundo. Wuu!

Kung iisipin, magkaibang-magkaiba tayo. Kahit sabay tayong lumaki., mas marami ka nang experience. Lablayp pa lang, nakarami ka na, isa pa lang aketch. Wooh! Pero in fairness, maganda ang current relationship mo kaysa sa mga dati na hindi ko talaga mabigyan ng comment dahil ayoko nang magsalita. Hehe.

Kahit ganun, baliw naman tayo pareho. Wala ng sasaya pa sa mundo kundi ang pagatatgpo ng dalawang baliw! Wahaha. In fairness, habulin tayo ‘pag magkasama. Credit cards nga lang. Hehehe.

Sa loob ng 13 years, alam kong madami akong pagkukulang. Madami akong pagkukulang. Madami ring bagay na hindi ko nasasabi at mga bagay na hindi nagawa. Pero I’m trying my best to keep my promises. Actually, 2 promise na lang naaalala ko. ‘Yung sa Star City promise tsaka nung nasa Ayala tayo. Kung may iba pa, ipaalala mo na lang, Bez. LAm mo naman ako, matalas memorya. Haha.

Time lang talaga,’di ako makapag-ipon ng matino eh. Pero a promise is a promise. Dadalhin kita sa Star City. “yung second promise, don’t worry. ^^,

Pilit kong inaalala lahat ng firsts atin. 1st tag team love life, grade 3. Si Patrick at Reymond. Hihi. Kilig! ^_^ Siguro M2M o Britney ang first song together. Hindi ko na talaga maalala ‘ytung iba pa. Baka mas detailed pa’yung nasa autobiography mo. (Pabasa pla nun!)

Pero every moment we spent together, masayang-masaya ako. Nothing can compare to those times. Pagkuha ng soup at tray, paghugas ng kaldero, pangangagat ay ate Perla, paglalaro ng jackstone, 10-20, at kung anu-ano pa, pakikipagkaibigan sa kaaway (na dapat ay aawayin natin), pang-aaway sa bully ni Jimboy, endless gala, siomai, computer, palengke, tsika, text, telenovela, Fullybooked, celebrity crush (Jesse McCartney), at syempre, ang recent 1st swimming at 1st long trip (to Caloocan!).

Ang pinakagusto kong part ng Anniversary natin, ‘yung fact na mas matanda ka saken! Haha. At ngayon, 20 ka na! Ako na lang ang teenager! Woohooh! Haha! Mang-asar ba? Hehe.

as we are

Sana mas masasayang memories. Sana matuloy ang pagpunta sa Subic/Baguio/Tgaytay, paglabas ng bansa (Guam?!), mas malupet na on-the-spot knock-knock joke (Chedeng! Chedeng!.. Mameng! Mameng!.), mas mahal na xmas eve date (Mcdo fries at Milkshake), at mas marami pang kabaliwan (pagsayaw sa daan, pag-jogging sa ulan ng naka-shorts at pencil skirt habang nagcha-chant ng “kapag ako’y mag-aasawa..”).

Ilan pang payo, iyakan, tawanan, biglaang pagdalaw, at walang hanggang pagka-miss.

Hindi man kita naging kapatid, mas higit pa dun ‘yung samahan natin. Kahit magkaiba mundo natin, madami mang problema, nakakuha tayo ng lakas sa isa’t isa. Simpleng sandal lang sa balikat o badminton, ayos na ulit.

Bez, nasabi ko na ba sayong hanga ako sa’yo? Kung hindi pa, ayan kasasabi ko lang. Kung nasabi ko na dati, ayos lang. Uso naman waka-waka, iloilo at market market. Hehehe.

Iba ‘yung lakas mo. Parang kaya mo lahat. May sagot ka sa lahat kahit na mahirap lang talaga gawin. Ilang beses ko nang gustong sumuko, ilang beses ko nang gustong subukan. Pero bago ako gumawa ng hakbang, ikaw ‘yung nilalapitan ko. ‘Di mo lang lam kung ilang beses ‘yun, simpleng pagdalaw ko o pagpaparamdam, ‘yun na ‘yun. Pero syempre lam mo ‘yung iba nun. Ikaw pa! Psycho ka eh! Haha..

Pasensya ka na Bez kung ito pa lang maibibigay ko ngaun ah. Dapat reregaluhan kita eh, pinangplanuhan ko na talaga yun, last week pa. Sabi ko iba-budget ko baon ko this week para makaipon ng gift. Eh na-badtrip ako nung monday. Pumunta akong market2, saktong may book sale.. Lam mo kung anong nangyari? Ayun! Ubos ang allowance ng whole week! Haixt..

Sana hindi sumakit mata mo sa gift ko sayo.. Hehe.. Basta tandaan mo, love na love kita! ^_^

happy together ^__^

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: