SiLaKbO nG dAmdAmiN…


Umiiyak ang kalangitan. Kasabay ng nag-uunahang ahog at luha ay ang pagsigaw ng aking isip sa aking dilat na mga mata. “Hindi ko na kaya”, sambit ko sa kanya. At sa ganoong sandali, tumulo kanyang luha.

Magkayakap sa dati naming tagpuan. Magkayakap ng mahigpit, baka ito na ang huli, ‘di natin alam. Sa pagitan ng hinagpis, paghihirap at sakit na nadarama ay mumunting halik na tila bumubulong, “Mahal Kita”.

Ngunit wala na. Ilan pang pagmamakaawa ngunit wala na. Hindi na kami pabata, sumisibong ang mga halaman ngunit wala na.

Gustuhin ko mang sumigaw, ibaling sa kanya lahat ng sakit sa puso ko, ‘di ko magawa. Ipaliwanag ang mga luha ngunit walang angkop na salita. Hindi niya maiintindihan ang hirap sa pagtago ng emosyon na tanging luha lang ang may kapangyarihang maglarawan.

Umiiyak ang kalangitan. Kasabay ng nag-uunahang uhog at luha ay ang pagsigaw ng aking isip sa dilat kong mga mata. “Tara na”, sabi ko sa kanya. Hawak aking kamay palabas ng simbahan. Hawak ng mahigpit, baka ito na ang huli, ‘di natin alam.

Pilitin mang maging masaya, sa pagitan ng mga tawa ay mumunting katahimikan at pagsulyap sa mga mata na tila nagsasabing, “Mahal Kita”. Ngunit wala na. Pagdaan ng sasakyan sa mga rutang kabisado na ng isipan, ‘di maiiwasang matulala.

Tatlong araw ang nakalipas, andito siya’t katabi kong nanunuod ng telebisyon. Yakap at pagpupumiglas. Pagmamakawa at pagtulak palayo. Siya’y lumuhod,”Isa pang pagkakataon…”, nangingilid ang luha.

“Ayoko na,” pambasag katahimikan. Pagtatapos ng hilaan.

Umiiyak ang kalangitan. Kasabay ng nag-uunahang uhog at luha ay pagsigaw ng aking isip sa papikit kong mga mata.

“Tanga..”, at tuluyang nakatulog na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: